Friday, September 3, 2010

Liham?

AKING DALANGIN PARA SA IYO KAIBIGAN, ISANG BUHAY NA MATIWASAY AT MATAGUMPAY!


Hoy! Oo, ikaw! Ikaw na kaibigan ko. Na maputi't akala mo ay Koreano. Na kasing-lapad ng mukha ang plato. Maligayang kaarawan sa iyo.

Sa mga oras na kailangan ko ng magtuturo sa akin ng Sipnayan, at sa mga oras na kailangan ko ng makakausap, kahit na ay napipilitan lamang. Maraming salamat at nariyan ka. Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo. Sa kasiyaha't lumbay, ako 'y lagi mong sinasamahan. Kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan.

Ikaw ay naka-ukit na sa aking puso. Lahat ng mga ginawa mong kabutihan pati na rin ang sa akin ay iyong pagtanggap, lahat iyon, naka-tatak na sa aking isipan.

Ako'y masaya sa lahat ng iyong nakakamit. At ako'y natutuwa dahil wala akong nakikitang kahit isang senyales na ang iyong ulo ay lumaki. Ganyan ka pa rin. Ngunit, minsan ka na lamang walang pag-imik hindi katulad ng dati na nakatatamad para sa'yo ang pagsasambit.

Sana ay 'wag kang makalilimot. Na kahit ilang kalsada ang iyong tawirin ay aalalayan kita sa abot ng aking makakaya. Aking sasaluhin ang iyong mga hampas na pagkasakit-sakit sapagkat alam kong iyon ay dahil sa iyong kaligayahan. Tatanggalin ko ang mga sobrang palamuti sa iyong mukha para ikaw ay magmukhang kaaya-aya. At kahit ako ang tama, sige na nga, ikaw na lang. :)

Sunday, August 8, 2010

1 Down.. MANY to GO.

Ang tagal ko ng hindi nakakapag-blog. Busy eh. Haay.. Senior life.

Kakatapos lang ng UPCAT. Sunod USTET. Ay hindi, bago 'yun may Periodical Test. Tapos 'yung NCAE. Grabe, may utak pa kaya ako pagkatapos ng lahat ng ito? Hahaha.

UPCAT's over. Ngayon maghihintay naman ako ng ilan pang buwan para sa resulta nito. Rule number 1, 'wag kang aasa na papasa ka. Baka ma-depress ka lang kapag nalaman mong bumagsak ka. May point naman diba? Tsaka alam ko nandyan ang UST para saluhin ako. Pati rin ang ADMU. Naks! Hahahaha. Nandyan din naman ang Dumlao eh.

ACET? Wow! Good luck talaga sa akin! Tsambahan na lang siguro. Pero malay mo, makapasa ako. Double Mint, I trust in you.

At ang pinaka-highlight ng araw na ito, DALAWANG BESES AKONG NADULAS! Kamusta naman 'yun diba?

Anyway, pagod ako. May pasok pa kinabukasan. Tsk. Basagan na naman. Math. :(

Saturday, June 26, 2010

Ikaw, Ako, at Sila..

Sa tuwing natatanaw ka ng aking mga mata
May halong lungkot akong nadarama
Dahil hindi magawang hawakan ka
Pati na rin ang makausap ka

Sa dami ng mga dilag sa iyong paligid
Ako'y hindi halos makasingit
Minsan tuloy ako'y may naisip
Bakit hindi ko kaya subukan na sila'y lasunin?

Sa dami ng tao dito sa mundo
Bakit ikaw pa ang tumatak sa isip ko?
Heto talagang si Kupido,
Minsa'y nakakaloko..

Pero hindi ko sinasadya na mahalin ka
Dahil sa hindi malamang kadahilanan
Siguro'y pag-ibig na nga talaga
Kahit na minsa'y nagmumukhang tanga

Para sa iyo ito aking kaibigan,
Na walang ginawa kundi ang luminga-linga
Sana minsa'y mauntog ka
At maisip na ako at ikaw na lamang.. :)

Sunday, June 20, 2010

Hey, Monday!

Heto na naman ako, walang magawa. May pasok kinabukasan pero ayaw ko pang matulog. Ang bait ko 'noh?

Hindi ako katulad ng madaming estudyante na sabik na sabik pumasok sa eskwelahan. Hindi rin naman ako tamad. Basta parang ordinaryong araw lang para sa akin. Gigising, kakain, makikinig sa mga guro. Tapos ang usapan. Kapag sinipag ako, bonus na lang 'yun sa napaka-boring kong buhay.

Haayy.. nakaka-miss rin pala pumasok. Pero pustahan, pagpasok mo sa silid-aralan mapapauwi ka na lang bigla. Hahahaha. Ganoon naman talaga diba? Lalo na kapag binigyan ka ng titser mo ng sandamakmak na assignment!

Ang nakakaexcite lang naman sa pagpasok eh ang makita mo ang mga kaibigan mo eh. Syempre, pati 'yung crush mo.. (ayieeee..) Aminin na natin, kaunti na lang talaga ang nais makinig sa boring na titser.

Ayan, Lunes na naman. Ano pa nga bang magagawa ko? Sigh, kaunting tiis na lang. Alam ko naman na magandang buhay ang naghihintay para sa akin.

TAMAAAAAAA! =)))

Monday, June 7, 2010

June 7

PSP, Computer at Cellphone
Kapag kapiling niya ang mga ito
Pagtulo ng kanyang luha ay napapahinto
Ang buhay niya ay dito halos naka-sentro

Sa eskwelahan kami madalas magkita
Nagke-kwentuhan, nagtatawanan
Minsan siya'y pinagbasa ng Bibliya
Mas magaling pa yatang magbasa ng tabs ng gitara

Koreano, Hapon, at Pilipino
Mahilig siya sa mga gwapo
Artista man o ordinaryong tao
Madaling tamaan ng pana ni Kupido

Isang babaeng mahirap gawan ng istorya
Lalo na't kung siya'y hindi pa nakikilala
Kaya't mabuting pagmasdan
Bago siya husgahan

Ang isang prinsesa ay hindi lang dapat puno ng kagandahan
Dapat ay mayroon din siyang kaalaman
Na kaya niyang ipagmalaki sa taumbayan
'Yan si Sarah.. ANG ASTIG NA PRINSESA. :)

Tuesday, May 25, 2010

Sky Flakes..

BREAK!

'Yan ang pinakatumatak sa isip ko noong una kong napanood ang commercial ng Skyflakes. Madami kasing ibig sabihin para sa akin.

Una, dahil sa sinabi ni Robin (hindi 'yung koala bear ah? LOL). Na dahil sa biscuit na ito, sumikat siya ng bonggang-bongga! At kapag kumain ka nito, tiyak ang tagumpay mo! Astig!
Pangalawa. Sa mga nais sumexy, mag-break ka lang ng Skyflakes in to three equal parts sabay subo. Busog! Mapa-almusal, tanghalian o hapunan.

Pero ang dating sa akin. As usual, tungkol na naman sa pag-ibig. Ito kasing mga kaibigan ko, ang babata pa. TSK.

'Yung isa, nakipag-break dahil sa hindi pagsang-ayon ng mga magulang. Kahit mahal nila ang isa't isa, kailangan nilang magparaya. Pero katulad nga ng pinaniniwalaan ko, ANG TUNAY NA PAG-IBIG AY NAKAPAGHIHINTAY KAHIT GAANO MAN KATAGAL. Oha? 'Yung isa naman, brineyk dahil ayaw na siyang saktan. Ano 'yun, sinaktan mo lang at hindi mo minahal? Sus!


Skyflakes, skyflakes, skyflakes.. kahit ilang piso pa ang itaas mo. Babalik-balikan pa rin kita. :)

Monday, May 17, 2010

BLAH...

Ayan. Wala na naman akong magawa.

Kapag nandoon ako sa sala namin, hindi ako matahimik. Ang ingay ng kasama ko. Salita ng salita kahit hindi ko na pinapansin. Kapag naman nasa kwarto ako, sobrang tahimik. Nakakapanis ng laway. Nakakatigas ng tutuli.

HINDI KO NA ALAM KUNG SAAN LULUGAR!

Kung bakit ba naman kasi ngayon pa ako nagkasakit. Ang dami kong nakaligtaan na kaganapan. Ang masaklap, may simulation exam pa kami ngayon.

Nakakalungkot dito sa bahay. Wala akong makausap na matino. 'Yung iba dito hindi mo malaman kung ano problema. 'Yung isa tinatamad ka lang sagutin sisigawan ka na. 'Yung isa hinahayaan mo na nga gawin gusto niya, hindi pa makuntento.

Ang hirap talagang magkasundo ng mga taong hindi magkakapareho ang "trip" sa buhay..

Saturday, May 8, 2010

INANG REYNA

Sa daan na madilim at lubak-lubak
Para akong musmos na walang kamuwangmuwang
Sa kalangitan isang tala ang nakita
O, Ina! Ikaw pala iyan!

Tinuro sa akin ang tamang landas
Kahit ako'y dumadapa na
Paano na lamang kaya kung wala ka?
Palagay ko'y wala na akong haharaping bukas

Isang araw sa aking buhay ay may nagsabing
Ikaw ay parang walang silbi
Ngunit nakita kong katawan mo'y parang hati,
Sila ay nagkakamali!

Mga mata mo'y laging mulat
Para lamang ako'y lagi mong masilayan
Hindi nagsasawang ako ay pagmasdan
Kung nahimbing na ba sa higaan

Mga kamay mo ay mapagkalinga
Ngunit minsa'y masakit din kung dumikit sa balat
Aking kalupitan sa iyong ibang kayamanan
Ay agad mo rin winawakasan

Ang mga tenga mo'y laging nakikinig
Sa mga istorya ko na sirang plaka ang dating
Kahit na parang nakaririndi
Sa pandining mo'y bagong saliw ng tugtugin

Pati paa mo'y walang pahinga
Saan man ako pumaroon, ako'y hindi mag-iisa
Sulo ng apoy, iyong dala-dala
Upang tanglawan ang aking landas

Sa paglubog ng araw at pagdating ng wakas
Hindi ko maikakaila na pag-ibig mo ay wagas
Ang korona at respeto ay hindi pa sapat
Upang ipadama na sa'yo ay madaming nagmamahal! :)

Wednesday, April 28, 2010

Para Sa..

BABAENG SINGKIT

Isang estrangherong aking nakilala
Sa isang pahina na aking nakita
Babaeng nakadilaw at tipong nangangampanya
Kampon ni Noynoy, isang Kabataang Pinay

Pinadalhan ng liham na ang nilalama'y
'Pwede ka bang maging kaibigan?'
Pinaanyayahan ang aking sulat
At doon na nga nagsimula ang lahat

Oo't ikaw ay bagong kakilala
Ngunit parang kay lalim na ng pinagsamahan
Kapag kausap ka'y anong ligaya ang nadarama
Para na akong lumulutang sa alapaap

Hayaan mong aking masabi
Na ikaw ay nagsilbing inspirasyon sa akin
Nawalan ng takot na ipahayag ang sarili
Maging tama man o mali

Marami na ngang pagkakataon
Upang tayo'y magkatagpo
O, Panginoon!
Bakit hindi magkaganoon?

Kaya't ako'y laging napapaisip
Mananatili ka na lamang ba sa aking panaginip?
Ngunit lagi ko na lamang idinadasal sa gabi
Na dalhin ka ng ihip ng hangin patungo sa akin


Sa iyong espesyal na araw, at sa mga dadating pa
Lagi mong tatandaan na mayroon kang kaibigan
Na kahit hindi pa nakikita ng iyong singkit na mga mata
Ay maari mo namang tawagan, at pasasayahin ka kahit saglit lamang.

Friday, April 16, 2010

Summer Vacation

Tagal ko na rin hindi nakapag-blog..

Sa mga nagdaang araw, wala na akong ibang ginawa kundi gumising, kumain, tumunganga, maglinis. Wala na bang iba? :|

Sayang nga lang at hindi natuloy 'yung pagpunta namin sa Ecopark. :(
Nakakalungkot naman. Sabik na sabik pa naman akong makasama ulit ang mga kaibigan ko. Tagal ko na din silang hindi nakikita. Mga isang buwan na ata. ? Hehehehe :)))
Siguro ayos na rin 'yun. Kasi naman. Hindi pa pinayagan 'yung iba sa amin. Tsk. :\

Sa isang linggo, review na! YES! Makakapag-lakwatsa na ulit ako! :P
Sabik na rin akong mag-aral ulit. Ahahaha :)) Parang hindi kapani-paniwala 'noh?
Ako rin hindi ko malaman kung ano ba talagang gusto ko. 'Pag may pasok atat na atat akong mag-sabado't linggo. Pero ngayon gusto ko nang magpasukan.

Nakakabagot din pala kapag nandito ka lang buong maghapon sa bahay. Napapanis 'yung laway ko kasi wala akong kadaldalan. 'Yung mga palabas naman sa telebisyon mga hindi gaanong kagandahan. Thanks to Showtime! :)))


Tatapusin ko na lang ito sa isang pangungusap..

Kahit na bagot na bagot na ako, tinatamad magki-kilos, at napapanis na ang laway, nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon at ginigising niya pa rin ako. :D

Sunday, March 14, 2010

[U]ltimate [B]onding [E]xperience




I'M SO BLESSED TO HAVE FRIENDS LIKE THEM! :D

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang samahan namin. Madami na rin kaming mga pagsubok na nalampasan. Natuklasan namin ang tunay na kulay ng bawat isa sa amin dahil na rin sa tulong ng isa't isa.

Sa totoo lang, walo kami sa tropa. Ewan ko kung bakit anim na lang kami sa litratong 'yan. Ganun nga siguro ang takbo ng buhay, may dumarating, may umaalis. Pero kahit nagkaganoon, heto kami't matatag ang pagsasamahan.

'Yung iba sa amin, matagal-tagal nang magkakakilala. 'Yung iba naman, bagong estudyante nung 1st year. Masasabi ko na nitong 3rd year lang talaga napatunayan kung sinu-sino 'yung nagkakaintindihan.

May iba't iba kaming hilig. Nakakapagtaka lang na kahit ganoon, masaya kami't nagtatawanan sa iba't ibang bagay na alam naming lahat. Kadalasan ang mga isyung pinag-uusapan namin eh 'yung tungkol sa mga cute na Koreano. Ang kulit noh?

'Yung tropa namin, iba talaga. Hindi kami nag-aaway. Siguro, 'yung iba sa amin, pero patago. Aaahh.. ang gulo noh? Palagay ko, ayaw lang talaga namin mandamay ng ibang tao lalo na kung hindi nila alam 'yung nangyayari.

'Yan ang maganda sa amin. Sikreto kung sikreto. Pero minsan, sa kadaldalan ng isa, may ilang bagay na parang apoy kung kumalat. 'Yan naman ang hindi maganda.

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang sulating ito. Tungkol sa akin at sa mga kaibigan ko ito. At alam ko na hindi matatapos ang pagkakaibigan namin. Ganito na lang..

..SA MGA KAIBIGAN KO, MAHAL NA MAHAL KO KAYO! SANA WALANG MAGBABAGO NI ISA MAN SA ATIN. AT KUNG MAY MAGBABAGO MAN, ITO AY PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT! :)

Tuesday, March 2, 2010

Being DEPENDENT is not forever

Nakakainggit kapag naririnig ko ang mga kaklase at kapitbahay ko na nagkukwento na nakapunta na sila sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Gusto ko rin ng ganoon. 'Yung makalabas ng Maynila kahit isang araw lang. P***! Ang sarap na pakiramdam noon!

Pero kahit na anong pilit ko sa mga magulang ko, hindi pa rin pwede. Masyado pa daw akong bata. Eeh? Anu daw?

Ang opinyon ko lang naman, opinyon lang ah! Mas maganda siguro kung mas maaga pa'y nakakapunta na ang isang batang katulad ko sa mga lugar na hindi pamilyar para sa akin. Sa isip-isip ko lang, hindi laging nariyan ang ating mga magulang. Eh paano kung mapunta ka Divisoria? Sa Recto? Tapos hindi mo alam kung paano ka uuwi? 'Yon ang punto ko..

Sa ngayon, 'yun talaga ang gusto kong gawin eh. Ayaw kong magmukhang tanga pagdating ng panahon. Gusto ko ng bagong tanawin. Hindi 'yung puro pader na lang ng bahay namin 'yung nakikita ko.

Gusto kong umalis.. kahit saan, basta bago sa paningin ko. Ano, sama ka?

Saturday, February 27, 2010

Friends Only..

Ang dami kong naririnig na love stories. Pero ang pinakatumatatak sa isip ko ay, 'yung magkaibigan muna kayo tapos magkaka-inlaban. Madalas mangyari di ba? 'Yung tipong magkaibigan kayo simula pagkabata. At habang nagkakaisip na kayo, nakikita mo kung gaano kaganda 'yung kaibigan mo. Sabihin na nating, nahuhulog ang loob mo para sa kanya.

Sa dami ng narinig ko, kaunti lamang sa mga iyon ang nagkaroon ng "Happy Ending". Kadalasan kasi hindi 'yun naiintindihan ng kaibigan mo, 'yung ibang klaseng pakiramdam? 'Yung sakit na nararamdaman mo kapag nakikita mo na may kasama siyang iba. At gumagawa ng kung anu-ano para lang sa ikabubuti niya. Minsan pa nga, napapagalitan ka na ng nanay mo 'pag inaabot ka ng gabi sa labas, dahil lang sa pagsama mo sa kanya.

Siguro ganun lang talaga. Kailangan mong masaktan. Pero minsan sumosobra rin 'yang sakit na 'yan eh. WTH!
Dumadating pa sa pagkakataon na ikaw pa 'yung sisisihin. Ano ba ginawa mo? Wala naman di ba? Nagmahal lang.

Pero sa bandang huli, magigising ka na lang sa katotohanan. Na, kailangan mo ng magparaya. Dahil kaibigan lang talaga ang tingin niya sa'yo. Kahit masakit, kailangan mong tanggapin.

Ano kaya ang mas madali? Ang magmahal o ang makalimot? Hmmm... :))

Monday, February 22, 2010

The Battle Against a Dictator

Sa totoo lang, wala talaga akong alam sa naganap noong EDSA Revolution. Pero sa napanuod ko kahapon na pinamagatang 'A Dangerous Life', nakita ko kung anong pinuno meron ang bansa ko noon.

Sariling interes, pagnanakaw sa kaban ng bayan, pagpapaginhawa ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, -- 'yan lang naman ang pinagtuunan niya ng pansin ng siya pa ang nanunungkulan sa ating bansa. Hindi na talaga siguro ako magtataka kung hindi matatakot ang kahit sino sa atin kung mabanggit ang mga salitang ''Martial Law''. Nawalan ang mga tao noon ng pagkakataon na ipahayag ang kani-kanilang mga sarili. Isang maling kilos mo lamang laban sa gobyerno, buhay mo na ang kapalit.

Buti na lamang ay may mga naglakas loob na lumaban sa kanya. Alam na naman siguro natin kung sinu-sino sila, hindi ba? Pero para sa akin.. naging tagapagsalita lang natin sila. Tayo pa rin mamamayan ang lumaban para sa ating kalayaan. Wala tayong naging ibang sandata kung hindi ang ating mga panalangin.

Sa paggunita ng ika-24 na taon ng EDSA Revolution, sana'y matuto tayong pumili ng tamang kandidato para naman hindi na maulit ang kalunos-lunos na pangyayaring ito. :)

Friday, February 5, 2010

My thoughts

I listened to Rock Ed Radio last night. Their guests are some presidentiable student representatives. They were pretty great!

Well, I can say that the youth is really aware of what's happening here in our country. I just wish that I can vote already at my age of 15. But I guess, there's a lot for me to know. I'm still in my innocence. Actually, I haven't decided yet on my college course. I sure hope that during my senior year in highschool, I can fully make up my mind.

What's more? The student representatives have their own statistics in choosing the right candidate. Me? There's none. As long as he is honest, that's the best! For me, TV ads just makes me so irritable. Hearing them saying that they are this, they are that. Whatever! They just keep on promising.. but leaving people hope for nothing.

I admire those students. They really said their thoughts out loud. They are not afraid of everything. They have a point on every single word they say. And, I also admire the Cruz Bros, they did a pretty good job on being calm. I think it's very quite hard for them. Well, congrats!

As I end this, I encourage everyone to be not afraid of everything. Enjoy your freedom! Don't let anyone abuse you. You have the right to fight for what you think is just. :)

Friday, January 29, 2010

Sa isang palaro..

Sabi nila, sa isang laro mayroong nananalo at natatalo. Kailan tanggapin mo kung ano ang magiging resulta. Manalo ka man o matalo. Pero bakit ang iba hindi matanggap? Ang masaklap, magagalit pa sa iyo. Hindi naman siguro nila ikamamatay kung matatalo sila di ba?

Hay naku. Matamaan na kung sino ang matatamaan. Wala akong pakialam. Sinasabi ko lang ang totoo. At hindi ka naman siguro masasapol kung 'yun ka hindi ba?

Pero sa mga sitwasyon na pinagkakaisahan ka na, 'wag kang susuko. Mas lalo mong patatagin ang sarili mo at mga kakampi mo. 'Wag magpapatalo. At maniwala ka na ang mga inaapi, nagwawagi!

Kung naranasan mo na ito. Pareho tayo. Hindi ako isang manlalaro. Pero nadarama ko iyon. 'Yung tipong pagsabihan ka ng kung ano? Pero 'wag mo na lang pansinin o patulan pa iyon. Gawin mo kung ano ang dapat gawin. Patunayan mo na hindi ka nila basta-basta mapapatumba. Sa bandang huli, mapapahiya rin 'yang mga 'yan!

Kahit anong mangyari, lumaban ka ng patas. Gawin mo lahat para hindi ka magsisi sa huli. At 'wag kakalimutan na ialay ang bawat laro sa Panginoon. At syempre, sa bawat tagumpay, 'wag kakalimutang magpasalamat! :D

Saturday, January 9, 2010

Trip to Mapua

So ayan. Naglakwatsa ako at nakarating ng Maynila. Ang layo. Ngayon lang ulit ako lumabas ng bahay at pumunta sa pagkalayo-layong lugar. Ang kasama ko, si Tita Bong at Ate Aian.

Maaga akong nagising. Una pumunta muna kami sa dentista. Tapos punta kami ng Morayta. Tapos naglakad ng naglakad. Kapagod, pero oks lang. Tapos kung saan-saan pa kami nakarating. Hanggang sa makapunta kami ng Mapua bandang tanghali. Grabe.. hindi pa kami kumakain noon. Nakita pa namin 'yung Poong Nazareno! Okay na rin kahit papaano. Ang daming tao! Habang naglalakad kami papuntang SM Manila, nakita namin 'yung mga tao na nahihimatay. 'Yung iba nakahiga na talaga sa tabi-tabi. Siksikan!

At sa wakas! Nakakain rin! Thanks to KFC! After that, Starbucks! :))
At sa pagsakay namin ng bus papuntang SM Fairview, traffic! Dami kasing tao, hindi pa rin tapos 'yung prusisyon. Nadaanan namin 'yung Quiapo Church, na noong una eh hindi ko na-recognize. Hehe :)

Pagdating naman sa SMF. Ayun, namasyal kami ni Ate Aian. Naghanap ng sapatos. Nag-quantum. Well, hindi pa kami nakuntento doon!

Whew! What a tiring day. Pero enjoy ko naman. At least nakalibot ako. Para nga akong ignorante eh. Hindi ko alam kung anong lugar 'yung mga pinagpupu-punta namin. Hahahaha. :))

Until next time! :D