Sunday, March 14, 2010

[U]ltimate [B]onding [E]xperience




I'M SO BLESSED TO HAVE FRIENDS LIKE THEM! :D

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang samahan namin. Madami na rin kaming mga pagsubok na nalampasan. Natuklasan namin ang tunay na kulay ng bawat isa sa amin dahil na rin sa tulong ng isa't isa.

Sa totoo lang, walo kami sa tropa. Ewan ko kung bakit anim na lang kami sa litratong 'yan. Ganun nga siguro ang takbo ng buhay, may dumarating, may umaalis. Pero kahit nagkaganoon, heto kami't matatag ang pagsasamahan.

'Yung iba sa amin, matagal-tagal nang magkakakilala. 'Yung iba naman, bagong estudyante nung 1st year. Masasabi ko na nitong 3rd year lang talaga napatunayan kung sinu-sino 'yung nagkakaintindihan.

May iba't iba kaming hilig. Nakakapagtaka lang na kahit ganoon, masaya kami't nagtatawanan sa iba't ibang bagay na alam naming lahat. Kadalasan ang mga isyung pinag-uusapan namin eh 'yung tungkol sa mga cute na Koreano. Ang kulit noh?

'Yung tropa namin, iba talaga. Hindi kami nag-aaway. Siguro, 'yung iba sa amin, pero patago. Aaahh.. ang gulo noh? Palagay ko, ayaw lang talaga namin mandamay ng ibang tao lalo na kung hindi nila alam 'yung nangyayari.

'Yan ang maganda sa amin. Sikreto kung sikreto. Pero minsan, sa kadaldalan ng isa, may ilang bagay na parang apoy kung kumalat. 'Yan naman ang hindi maganda.

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang sulating ito. Tungkol sa akin at sa mga kaibigan ko ito. At alam ko na hindi matatapos ang pagkakaibigan namin. Ganito na lang..

..SA MGA KAIBIGAN KO, MAHAL NA MAHAL KO KAYO! SANA WALANG MAGBABAGO NI ISA MAN SA ATIN. AT KUNG MAY MAGBABAGO MAN, ITO AY PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT! :)

Tuesday, March 2, 2010

Being DEPENDENT is not forever

Nakakainggit kapag naririnig ko ang mga kaklase at kapitbahay ko na nagkukwento na nakapunta na sila sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Gusto ko rin ng ganoon. 'Yung makalabas ng Maynila kahit isang araw lang. P***! Ang sarap na pakiramdam noon!

Pero kahit na anong pilit ko sa mga magulang ko, hindi pa rin pwede. Masyado pa daw akong bata. Eeh? Anu daw?

Ang opinyon ko lang naman, opinyon lang ah! Mas maganda siguro kung mas maaga pa'y nakakapunta na ang isang batang katulad ko sa mga lugar na hindi pamilyar para sa akin. Sa isip-isip ko lang, hindi laging nariyan ang ating mga magulang. Eh paano kung mapunta ka Divisoria? Sa Recto? Tapos hindi mo alam kung paano ka uuwi? 'Yon ang punto ko..

Sa ngayon, 'yun talaga ang gusto kong gawin eh. Ayaw kong magmukhang tanga pagdating ng panahon. Gusto ko ng bagong tanawin. Hindi 'yung puro pader na lang ng bahay namin 'yung nakikita ko.

Gusto kong umalis.. kahit saan, basta bago sa paningin ko. Ano, sama ka?