MASAYA AKO!!
Ang saya-saya ng naging karanasan ko sa Laguna. Kasama sila pinsan, mga tito at mga tita. Pati mga pamangkin, join na rin!
December 26, 2009. Kasal ng aking pinsan na si Kuya Harvey. Mga 4:05 ako nagising. Hahaha :)) Ang lamig nun! Buti may mainit na tubig. Ayun.. mga ilang oras 'yung biyahe namin. Dapat matutulog ako eh, kaya lang, agaw atensyon 'yung mga billboards na nakikita ko. Hehe :) Well.. minsan lang kasi ako makalabas ng bahay eh. Parang wala ako sa sarili kong bansa. Kakaloka.
At hindi rin ako makatulog dahil sa pinakamamahal kong tita. Hahahaha :)) Panakit tiyan talaga! Hindi ko mapigilan tumawa! Ang saya kasama! Parang hindi nagkakaroon ng problema. Kaya lang si pinsang John-john.. kawawa naman. Pero umokey rin. :D
So ayun.. bonding-bonding na! Ayoko na ikwento 'yung nangyari sa kasal. Medyo.. Hehe :P
Picture taking! Ang vain talaga namin! Kahit kailan! :)) Kanya-kanyang pose. Ang kulit pa nung iba.
Uwian na! Ang tagal magpaalaman! Parang ayaw na nga namin umuwi eh. Hahahaha :))
Ayan tuloy.. naalala ko si ate Ann. T_T
First time kong makapunta dun. Nung una kasing punta nila hindi ako nakasama. May exam ako nun. Pero ngayon.. ang saya. Nung pauwi na kami.. napadaan kami sa Colette's Buko Pie. Dapat dadaan lang eh. Hehe :) Thank you ate Joanna! Salamat sa Biscocho.
Nag- enjoy ako doon ng sobra-sobra! Kahit nagkaroon ng kaunting aberya. Konti lang naman. :P
No comments:
Post a Comment