Buhay. Bakit ba tayo nabubuhay sa mundong ito?
Sabi nila may misyon daw bawat isa sa atin. Sabi nila nakasalalay ang buhay natin sa pagpili. Sabi nila nabubuhay tayo sa isang kadahilanan.. na tanging Diyos lang ang nakakaalam.
Ako? Anong alam ko dyan? Basta ako ginagawa ko gusto ko. Sa abot ng makakaya ko. At kapag ayaw ko na, ayawan na talaga!
Tsk.. yan ang problema sa akin. At masakit man aminin.. lahat tayo'y may ganyang ugali. Maraming ugali ang mga Pilipino na hindi magaganda. 'Yan ang katotohanan.
Bakit hindi tayo magkaisa? Para sa ikabubuti natin. Kailangan pa ba ng isa pang 'Cory Aquino' na gigising sa mga utak natin? Na magmumulat sa ating mga mata?
Akala ko ba lahat tayo gusto ng pagbabago? At para mangyari 'yan.. kailangan mong mag-umpisa sa sarili mo.
Ang simpleng pananalita. Ang bawat kilos at galaw. Ang mga pagkain at inumin na nakakain at naiinom. Ang bawat pera na ginagasta mo. Lahat 'yan.. babaguhin mo. Subukan mong magsakripisyo kahit kaunti. Kaunti lang naman eh. Para sa'yo rin 'yun.
At ang mga mahihirap? Makakatulong ka naman sa simpleng paraan lang eh. Bakit hindi mo sila turuan kumayod? Kesa naman bigyan mo sila ng pera na hindi mo naman alam kung saan mapupunta.
Sabi nga ng isa kong guro: 'Kung ipinanganak kang mahirap.. hindi mo kasalanan 'yun. Pero pag namatay kang ganoon pa rin ang estado mo sa buhay.. KASALANAN MO NA 'YON!
Buhay.. buhay.. buhay. Madaming kahulugan 'yan. Kaya naman habang buhay pa tayong lahat, gawin na natin lahat ng gusto natin. 'Wag nating hintayin na maubusan tayo ng oras. Kung gusto mong yumaman, magsumikap ka! 'Wag kang aasa sa bigay-bigay lang.
At bakit ko ipinost ito? Wala lang. Gusto ko eh. :)
No comments:
Post a Comment