Thursday, December 31, 2009

Welcome 2010!

Sa taong ito, marami tayong naranasang kalamidad. Pagsubok na nagpatibay sa atin. Isang paraan kung saan tayong mga Pilipino'y nagkaisa.

Sa darating na taon sana'y magkaisa tayo sa ikabubuti ng ating bansa. Sana mahalal ang lider na may pakialam sa atin. Sana umasenso ang bansa natin!

May mga pagkakataon pa na sa ating paligid ay may nagaganap na hindi inaasahan. Ang iba ay nagpalungkot sa atin. Ang iba'y nagpasaya rin naman.

Sa pagsalubong natin sa taong 2010, sana'y maging mapayapa ang lahat. Wala sanang lubhang maputukan. :P

Paalam 2009. Manigong Bagong taon! Welcome 2010! :)

Wednesday, December 30, 2009

Rizal Day




Rizal day pala ngayon. Wooosh! Nakalimutan ko! Shame on me!

Bilang isang Pilipino dapat alam ko 'yon. Nating lahat. Kahit na sabihin mong ilang taon na rin noong pumanaw siya. Dapat alam mo pa rin 'yon.

Bakit kaya ganoon? Kailan mo munang mamatay bago maging isang bayani? Pero buti na lang nandyan si Kuya Efren. Kung hindi dahil sa kanya, baka ganoon pa rin ang pananaw natin sa pagiging isang bayani.

Para sa 'kin. Gumawa ka lang ng mabuti - maliit man o malaking bagay - bayani ka na. Basta't alam mo ang tama. Qualified ka na! :)

Monday, December 28, 2009

Hay Buhay..

Buhay. Bakit ba tayo nabubuhay sa mundong ito?

Sabi nila may misyon daw bawat isa sa atin. Sabi nila nakasalalay ang buhay natin sa pagpili. Sabi nila nabubuhay tayo sa isang kadahilanan.. na tanging Diyos lang ang nakakaalam.

Ako? Anong alam ko dyan? Basta ako ginagawa ko gusto ko. Sa abot ng makakaya ko. At kapag ayaw ko na, ayawan na talaga!

Tsk.. yan ang problema sa akin. At masakit man aminin.. lahat tayo'y may ganyang ugali. Maraming ugali ang mga Pilipino na hindi magaganda. 'Yan ang katotohanan.

Bakit hindi tayo magkaisa? Para sa ikabubuti natin. Kailangan pa ba ng isa pang 'Cory Aquino' na gigising sa mga utak natin? Na magmumulat sa ating mga mata?

Akala ko ba lahat tayo gusto ng pagbabago? At para mangyari 'yan.. kailangan mong mag-umpisa sa sarili mo.

Ang simpleng pananalita. Ang bawat kilos at galaw. Ang mga pagkain at inumin na nakakain at naiinom. Ang bawat pera na ginagasta mo. Lahat 'yan.. babaguhin mo. Subukan mong magsakripisyo kahit kaunti. Kaunti lang naman eh. Para sa'yo rin 'yun.

At ang mga mahihirap? Makakatulong ka naman sa simpleng paraan lang eh. Bakit hindi mo sila turuan kumayod? Kesa naman bigyan mo sila ng pera na hindi mo naman alam kung saan mapupunta.

Sabi nga ng isa kong guro: 'Kung ipinanganak kang mahirap.. hindi mo kasalanan 'yun. Pero pag namatay kang ganoon pa rin ang estado mo sa buhay.. KASALANAN MO NA 'YON!

Buhay.. buhay.. buhay. Madaming kahulugan 'yan. Kaya naman habang buhay pa tayong lahat, gawin na natin lahat ng gusto natin. 'Wag nating hintayin na maubusan tayo ng oras. Kung gusto mong yumaman, magsumikap ka! 'Wag kang aasa sa bigay-bigay lang.

At bakit ko ipinost ito? Wala lang. Gusto ko eh. :)

Sunday, December 27, 2009

The Laguna Experience







MASAYA AKO!!

Ang saya-saya ng naging karanasan ko sa Laguna. Kasama sila pinsan, mga tito at mga tita. Pati mga pamangkin, join na rin!

December 26, 2009. Kasal ng aking pinsan na si Kuya Harvey. Mga 4:05 ako nagising. Hahaha :)) Ang lamig nun! Buti may mainit na tubig. Ayun.. mga ilang oras 'yung biyahe namin. Dapat matutulog ako eh, kaya lang, agaw atensyon 'yung mga billboards na nakikita ko. Hehe :) Well.. minsan lang kasi ako makalabas ng bahay eh. Parang wala ako sa sarili kong bansa. Kakaloka.

At hindi rin ako makatulog dahil sa pinakamamahal kong tita. Hahahaha :)) Panakit tiyan talaga! Hindi ko mapigilan tumawa! Ang saya kasama! Parang hindi nagkakaroon ng problema. Kaya lang si pinsang John-john.. kawawa naman. Pero umokey rin. :D

So ayun.. bonding-bonding na! Ayoko na ikwento 'yung nangyari sa kasal. Medyo.. Hehe :P

Picture taking! Ang vain talaga namin! Kahit kailan! :)) Kanya-kanyang pose. Ang kulit pa nung iba.

Uwian na! Ang tagal magpaalaman! Parang ayaw na nga namin umuwi eh. Hahahaha :))
Ayan tuloy.. naalala ko si ate Ann. T_T

First time kong makapunta dun. Nung una kasing punta nila hindi ako nakasama. May exam ako nun. Pero ngayon.. ang saya. Nung pauwi na kami.. napadaan kami sa Colette's Buko Pie. Dapat dadaan lang eh. Hehe :) Thank you ate Joanna! Salamat sa Biscocho.

Nag- enjoy ako doon ng sobra-sobra! Kahit nagkaroon ng kaunting aberya. Konti lang naman. :P

Monday, December 21, 2009

Spell BOREDOM

Oh Shooooot! Bakasyon na naman! It means.. tambay lang sa bahay. Nakakaloka. Wala ako magawa. Gusto ko gumala.. wala naman akong pera.

Nauubos lang oras ko sa kaka-search sa mga bagay na.. hindi ko alam kung bakit ko sine-search! LOL

Malapit na magpasko. Ang lamig-lamig. Masarap matulog. Pero hindi rin naman maganda yung tulog ng tulog. Inaamin ko.. batugan ako! Pero sa mga araw na nagdaan hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog sa tanghali.

Ito na siguro pinakamalungkot na December ko. Hindi ako naka-attend ng Christmas Party. AKO kasi eh. T_T

Anyways.. tumingin na lang tayo sa bright side! Malapit na Birthday ni Bro! Ayieeee. Hahaha :))
'Salamat sa liwanag moooooo.....' :P

Thursday, December 10, 2009

Question Answered!


Jiggy Cruz with his brother Jonty Cruz

Here's the question and answer:

Pranses said...

Good evening po Mr. Jiggy Cruz.
Gusto ko lang po sana tanungin..

~Nahihirapan po ba kayo sa sitwasyon niyo ngayon na madaming taong nage-expect ng maganda galing sa inyo?

~Pwede po malaman mga birthday niyo po?

Yun lang po. Sana po masagot niyo. Salamat po! :D



Mr. Jiggy Cruz: I’m used to it na siguro… I’ve pretty much lived on this my whole life. I just do what I have to do and that’s to be good. I was born October 6 1985. ☺

-- Thank you! Akala ko hindi niyo sasagutin! Ang saya talaga ng birthday ko. Winner na winner! :D

My Special Day



SUPER HAPPY BIRTHDAY TO ME!! Hahahaha :))

Salamat sa lahat ng bumati sa akin. Pati na dun sa mga nagbigay ng regalo. Kay Boga, Pau at Angela.. uber thank you talaga! Thank you sa mga bayyooons! Hahaha :))

Wala akong handa. How poor of me! :P
Pero okay lang.. simpleng salo-salo lang ay oks na!
Ang saya talaga ng araw na ito!

Salamat po talaga ng marami! Hindi niyo lang alam kung gaano niyo ako napasaya! Gosh! I wanna cry na! T_T joke! :P


~The End! :>

Wednesday, December 9, 2009

Super good evening!

WAW!!

Ang saya ko naman! Ilang oras na lang.. BIRTHDAY KO NA!!! Yipee! :))
Ang daming nag-advance. Tats naman ako. :P

Paano pa kaya bukas? Well.. expect the unexpected!

Wahahahaha. :P Sana masaya kinabukasan!

Friday, November 27, 2009

Magda-drama ako! :P

I'm sorry..

I never meant to do that. Na-carried away lang ako. Hindi ko sinasadya.

Sa mga kaibigan ko (especially kay danielle), hindi ko po napigilan ang sarili ko kaya ko nagawa yun.

Hindi ko inakala na ganun pala ako kung magalit. Bayolente pala akong tao. At dahil dyan.. kailan kong magbago. At paano? Malay ko..

Nakakahiya. First time kong nagawa yun. Pero okay lang yun.. at least mas nakilala ko pa ang sarili ko. Tsaka.. there's always first time for everything, diba? :D

Saturday, November 14, 2009

Town and Country Mag

I just bought a copy of the 2009 November issue of Town and country. I bought it for my mom as a gift. Although.. kinda late. The cover of that mag is the Aquino sisters. Gosh! They're so lovely and pretty.

In the cover.. Pinky Abellada looks like my mom! hahaha :))
Nung nabasa ko yun.. amazing! Ang dami kong nalaman about them. Si Ballsy Cruz (Maria Elena) is a trustee of the Aquino Foundation. Pinky Abellada (Aurora Corazon), just finished her master's degree in economics and wants to be a teacher. Viel dee ( Victoria Eliza) is a NGO person. WOW!

Pero hindi talaga ako makapag-concentrate sa pagbabasa. Lagi akong napapatingin sa mga pictures nila. Ganda talaga nila.. grabe! For me.. Viel is the most beautiful. Dati ko pa napapansin yun. Nung first time ko sila nakita together on tv.. siya talaga yung litaw ang kagandahan!. :D She looks like an angel.. sa tingin ko ah. :P

My mom loved it! Mama ko pa.. fan siya ng mga yun eh. hahaha :))
Super thank you pala dun sa mga sumama sa akin para sa paghagilap nung magazine na yun. I owe it to you guys! :)

2012



Unang una sa lahat. HAPPY BIRTHDAY RIZZA ANNE V. DAGAMI! hahaha :)) labyou parekoy! :D Sayang.. hindi tayo kumpleto. Pero okay lang yan.. may next time pa naman eh.

So ayun. Nanuod kami ng 2012. *share lang* :D Kakaasar noong una sa cinema 9. Hindi pa daw kami 13 years old? WTH? Bago pa kami makapanuod kung anu-ano pa pinagsasabi namin doon..

Ate guard: may kasama kayong adult?
Pau: Si.. Frances.
Ako: Huh?
Ate guard: ilan taon ka na?
Ako: 17 po.
Ka-UBE: hahahaha :))

Grabe yung mga tao dun. Mas mukha pa nga kaming mga college eh. Ayan tuloy.. natuto akong magsinungaling sa kanila. 14yrs old pa lang ako eh. hehe :P

Tapos may mga nakasabay pa kami. Kine-claim na 13yrs old na daw sila. Eh, halatang hindi eh!! hahaha :)) pis!

So ayun. Hanggang sa naglabas ng I.D. si Jaja. Kakaasar! Kung kelan napaniwala na namin sila.. tsaka pa sila hindi nagpapasok! amp. :< Kaya ang ending.. sa cinema 3 kami nanuod. Grabe.. lameeeeeeg sa loob! :P After namin manuod. TIMEZONE! saya-saya! Big thanks to John Al Del Castillo. :D Kahit hindi mo kami knowings.. nilibre mo pa rin kami. Happy birthday na rin. Na-enjoy namin ni Jaja yung boxing chorva! hahaha :)) Basta un na un. Hindi ko alam tawag dun eh. :P Tapos nakita namin si Pia. *share ulit* Ang una namin na-enjoy ung basketball.. sayang hindi kami nagkaroon ng 3rd credit ni Dane. :(

Whew! What a day! Sobrang saya! Sana next time kumpleto na barkadahan.. para mas enjoy! :D