Friday, September 3, 2010

Liham?

AKING DALANGIN PARA SA IYO KAIBIGAN, ISANG BUHAY NA MATIWASAY AT MATAGUMPAY!


Hoy! Oo, ikaw! Ikaw na kaibigan ko. Na maputi't akala mo ay Koreano. Na kasing-lapad ng mukha ang plato. Maligayang kaarawan sa iyo.

Sa mga oras na kailangan ko ng magtuturo sa akin ng Sipnayan, at sa mga oras na kailangan ko ng makakausap, kahit na ay napipilitan lamang. Maraming salamat at nariyan ka. Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo. Sa kasiyaha't lumbay, ako 'y lagi mong sinasamahan. Kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan.

Ikaw ay naka-ukit na sa aking puso. Lahat ng mga ginawa mong kabutihan pati na rin ang sa akin ay iyong pagtanggap, lahat iyon, naka-tatak na sa aking isipan.

Ako'y masaya sa lahat ng iyong nakakamit. At ako'y natutuwa dahil wala akong nakikitang kahit isang senyales na ang iyong ulo ay lumaki. Ganyan ka pa rin. Ngunit, minsan ka na lamang walang pag-imik hindi katulad ng dati na nakatatamad para sa'yo ang pagsasambit.

Sana ay 'wag kang makalilimot. Na kahit ilang kalsada ang iyong tawirin ay aalalayan kita sa abot ng aking makakaya. Aking sasaluhin ang iyong mga hampas na pagkasakit-sakit sapagkat alam kong iyon ay dahil sa iyong kaligayahan. Tatanggalin ko ang mga sobrang palamuti sa iyong mukha para ikaw ay magmukhang kaaya-aya. At kahit ako ang tama, sige na nga, ikaw na lang. :)

Sunday, August 8, 2010

1 Down.. MANY to GO.

Ang tagal ko ng hindi nakakapag-blog. Busy eh. Haay.. Senior life.

Kakatapos lang ng UPCAT. Sunod USTET. Ay hindi, bago 'yun may Periodical Test. Tapos 'yung NCAE. Grabe, may utak pa kaya ako pagkatapos ng lahat ng ito? Hahaha.

UPCAT's over. Ngayon maghihintay naman ako ng ilan pang buwan para sa resulta nito. Rule number 1, 'wag kang aasa na papasa ka. Baka ma-depress ka lang kapag nalaman mong bumagsak ka. May point naman diba? Tsaka alam ko nandyan ang UST para saluhin ako. Pati rin ang ADMU. Naks! Hahahaha. Nandyan din naman ang Dumlao eh.

ACET? Wow! Good luck talaga sa akin! Tsambahan na lang siguro. Pero malay mo, makapasa ako. Double Mint, I trust in you.

At ang pinaka-highlight ng araw na ito, DALAWANG BESES AKONG NADULAS! Kamusta naman 'yun diba?

Anyway, pagod ako. May pasok pa kinabukasan. Tsk. Basagan na naman. Math. :(

Saturday, June 26, 2010

Ikaw, Ako, at Sila..

Sa tuwing natatanaw ka ng aking mga mata
May halong lungkot akong nadarama
Dahil hindi magawang hawakan ka
Pati na rin ang makausap ka

Sa dami ng mga dilag sa iyong paligid
Ako'y hindi halos makasingit
Minsan tuloy ako'y may naisip
Bakit hindi ko kaya subukan na sila'y lasunin?

Sa dami ng tao dito sa mundo
Bakit ikaw pa ang tumatak sa isip ko?
Heto talagang si Kupido,
Minsa'y nakakaloko..

Pero hindi ko sinasadya na mahalin ka
Dahil sa hindi malamang kadahilanan
Siguro'y pag-ibig na nga talaga
Kahit na minsa'y nagmumukhang tanga

Para sa iyo ito aking kaibigan,
Na walang ginawa kundi ang luminga-linga
Sana minsa'y mauntog ka
At maisip na ako at ikaw na lamang.. :)

Sunday, June 20, 2010

Hey, Monday!

Heto na naman ako, walang magawa. May pasok kinabukasan pero ayaw ko pang matulog. Ang bait ko 'noh?

Hindi ako katulad ng madaming estudyante na sabik na sabik pumasok sa eskwelahan. Hindi rin naman ako tamad. Basta parang ordinaryong araw lang para sa akin. Gigising, kakain, makikinig sa mga guro. Tapos ang usapan. Kapag sinipag ako, bonus na lang 'yun sa napaka-boring kong buhay.

Haayy.. nakaka-miss rin pala pumasok. Pero pustahan, pagpasok mo sa silid-aralan mapapauwi ka na lang bigla. Hahahaha. Ganoon naman talaga diba? Lalo na kapag binigyan ka ng titser mo ng sandamakmak na assignment!

Ang nakakaexcite lang naman sa pagpasok eh ang makita mo ang mga kaibigan mo eh. Syempre, pati 'yung crush mo.. (ayieeee..) Aminin na natin, kaunti na lang talaga ang nais makinig sa boring na titser.

Ayan, Lunes na naman. Ano pa nga bang magagawa ko? Sigh, kaunting tiis na lang. Alam ko naman na magandang buhay ang naghihintay para sa akin.

TAMAAAAAAA! =)))

Monday, June 7, 2010

June 7

PSP, Computer at Cellphone
Kapag kapiling niya ang mga ito
Pagtulo ng kanyang luha ay napapahinto
Ang buhay niya ay dito halos naka-sentro

Sa eskwelahan kami madalas magkita
Nagke-kwentuhan, nagtatawanan
Minsan siya'y pinagbasa ng Bibliya
Mas magaling pa yatang magbasa ng tabs ng gitara

Koreano, Hapon, at Pilipino
Mahilig siya sa mga gwapo
Artista man o ordinaryong tao
Madaling tamaan ng pana ni Kupido

Isang babaeng mahirap gawan ng istorya
Lalo na't kung siya'y hindi pa nakikilala
Kaya't mabuting pagmasdan
Bago siya husgahan

Ang isang prinsesa ay hindi lang dapat puno ng kagandahan
Dapat ay mayroon din siyang kaalaman
Na kaya niyang ipagmalaki sa taumbayan
'Yan si Sarah.. ANG ASTIG NA PRINSESA. :)

Tuesday, May 25, 2010

Sky Flakes..

BREAK!

'Yan ang pinakatumatak sa isip ko noong una kong napanood ang commercial ng Skyflakes. Madami kasing ibig sabihin para sa akin.

Una, dahil sa sinabi ni Robin (hindi 'yung koala bear ah? LOL). Na dahil sa biscuit na ito, sumikat siya ng bonggang-bongga! At kapag kumain ka nito, tiyak ang tagumpay mo! Astig!
Pangalawa. Sa mga nais sumexy, mag-break ka lang ng Skyflakes in to three equal parts sabay subo. Busog! Mapa-almusal, tanghalian o hapunan.

Pero ang dating sa akin. As usual, tungkol na naman sa pag-ibig. Ito kasing mga kaibigan ko, ang babata pa. TSK.

'Yung isa, nakipag-break dahil sa hindi pagsang-ayon ng mga magulang. Kahit mahal nila ang isa't isa, kailangan nilang magparaya. Pero katulad nga ng pinaniniwalaan ko, ANG TUNAY NA PAG-IBIG AY NAKAPAGHIHINTAY KAHIT GAANO MAN KATAGAL. Oha? 'Yung isa naman, brineyk dahil ayaw na siyang saktan. Ano 'yun, sinaktan mo lang at hindi mo minahal? Sus!


Skyflakes, skyflakes, skyflakes.. kahit ilang piso pa ang itaas mo. Babalik-balikan pa rin kita. :)

Monday, May 17, 2010

BLAH...

Ayan. Wala na naman akong magawa.

Kapag nandoon ako sa sala namin, hindi ako matahimik. Ang ingay ng kasama ko. Salita ng salita kahit hindi ko na pinapansin. Kapag naman nasa kwarto ako, sobrang tahimik. Nakakapanis ng laway. Nakakatigas ng tutuli.

HINDI KO NA ALAM KUNG SAAN LULUGAR!

Kung bakit ba naman kasi ngayon pa ako nagkasakit. Ang dami kong nakaligtaan na kaganapan. Ang masaklap, may simulation exam pa kami ngayon.

Nakakalungkot dito sa bahay. Wala akong makausap na matino. 'Yung iba dito hindi mo malaman kung ano problema. 'Yung isa tinatamad ka lang sagutin sisigawan ka na. 'Yung isa hinahayaan mo na nga gawin gusto niya, hindi pa makuntento.

Ang hirap talagang magkasundo ng mga taong hindi magkakapareho ang "trip" sa buhay..